"Ang sandaling pinakahihintay, ay ang marinig ang 'Yong tinig. Sumisigaw aking dibdib sa labis na pananabik.
Salamat sa pagdaloy mo sa oras na ito,
sa tinig Mo, makikinig ako. "
Di ako makapaniwala. Ito na nga siguro ang simula ng panibagong paglalakbay ng buhay ko. Sa totoo lang, natatakot ako. Di ko alam kung anong pakiramdam pag nasa loob na. Hindi ko din alam kung ano ang mangyayari sa akin pag nasa loob na ako. Ang alam ko lang, hindi madali. Pero para kay Lord na maglalagay sa akin dito, KAKAYANIN KO!

Lahat ay biyaya!
ReplyDelete